Home > Uncategorized > isang sulat

isang sulat

eto ay isang sulat para sa aking future offspring. parental guidance is advised.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

dear anak,

welcome sa mundo! isa ka na ngayong official inhabitant ng earth. una sa lahat, gusto kong i-wish ka ng maligayang pagdating at goodluck, because youre gonna need it. 😀

being here isn’t so bad. marami ka ding matututunan, una na yung umasa sa iba para sa mga pangangailangan mo. hindi sya magandang trait paglaki mo pero very useful kung icocombine mo sya with youre natural ability to make people swoon and be at your beck and call, you being a baby and all. kaya lang anak ang wish ko lang sana maoutgrow mo agad and iyong palaasa ways, at wag ka sana magexpect na lagi akong avilable para hugasan ang poopoo sa wetpu mo everytime. i mean, i have a life too, you know..

marami din na magagandang places dito na pwede mong iexplore, anjan ang pyramids of Egypt, Disneyland, Australian outback, Africa, Europe, at syempre pa ang Pinas. Wag mong kakaligtaan na tangkilikin ang bansang pinanggalingan ng ina mong nagbibigay sayo ng malulupit na payo gaya nito. sa iyong paglalakbay, pwede kang matuto ng maraming bagay tungkol sa relationships, geography, navigation, money management at mga ibang lahi na may mga nakakarimarim na tradisyon. ang maiipapayo ko lang sayo, magingat ka sa mga mandurukot para makabalik ka pa rin sa bayang sinilangan mo. there’s no place like home, tandaan mo yan.

gusto ko din na bigyan ka ng idea kung ano pang pwede mong iexpect sa iyong stay here. maraming masasamang tao na ang tanging silbi sa mundo ay pagdusain ang mga taong gaya natin, kaya wag kang magpapatalo sa kanila. lumaban ka ng ngipin sa ngipin, dahil anak, ang kabutihan kailanman ay nagwawagi sa kadiliman. kelan ba natalo si voltes V, ultraman at si bono?? nevah. pero wag ka rin naman mawawalan ng tiwala sa human race. ang mundo ay puno rin ng mga mabubuting tao, its just up to you to sift through the junk. be picky with your  friends. isa pang point: stay away from the likes of the gucci gang.

anak, isang magandang bagay ang education. pero hindi ito ang end all and be all the pagiging tao. tingnan mo si bill gates. pero super nice din kung meron kang diploma saka magandang grad pic. kaya magaral ka. kung siswertehen ka at magmana ka sa akin ng talino, wag mong kakalimutan na hindi lang brain cells ang nagpapaikot ng mundo. mas mahalaga pa rin ang puso. kaya stuff your heart with good deeds and repent for being an asshole sometimes.

matuto kang manamit ng maganda. or else, itatatwa kitang anak kita.

isa pa sa mga perk ng pagiging tao ay pwede kang mainlove. syempre pwede rin mainlove ang mga hayop at halaman, pero if you cant go to a French restaurant and have a nice expensive dinner, what’s the point? anyways, maraming beses na iisipin mong inlove ka nga pero ang totoo, lonely or nalilibugan ka lang. so hold back, anak. wag kang pa-rape. good things happen to those who wait.

wala akong ineexpect from you (bukod sa lahat ng binanggit ko sa taas na para naman sa overall na ikabubuti mo). kung bigyan mo ako ng cruise trip across Europe, matutuwa talaga ako, but thats not completely necessary. ang gusto ko lang maging isa kang masayang tao, dahil iilan lang talaga sa mundo ang totoong makakapgsabi ng ganito.

nagmamahal,

mum

Advertisements
Categories: Uncategorized
  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: