Home > Uncategorized > isa dalawa tatlo

isa dalawa tatlo

minsan napaisip ako,
naglalakad ang mga taong hindi ko kilala kung sino
sa isipan ko.

meron isa sa kanila
nadapa, napatihaya.
tapos bigla na lang bumukaka
yun pala ang gusto lang umani ng paanyaya.

yung isa naman lakad pagong
mabagal, sabay ang hininga ay alimuom
mataba, tamad, matimi sa pagyaon
naghihintay ng awa ng Panginoon.

yung huli parang paniki
ang galaw mabilis pero maiksi
ang layon naman nya umiwas sa panali
pero sa silo ng sistema kanyang paa’y nakabigti

anong masasabi ko sa gantong mga tao
may talino, may ayudo
pero bahag ang sintido.

hindi mo kilala, pero bahagyang kang may pag-unawa
sitwasyon nila salamin ng ‘yong muka
bagaman hindi mo maari, nakakahiya, nakakarimarim
pero pakiramdam mo dusa nila ay dusa mo rin.

nang biglang lumiwanag
kalaliman ang kusang nagpalutang
kaya pala ganito ang sintemyento ko
yun pala lahat sila ay ako.

Advertisements
Categories: Uncategorized Tags:
  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: