Archive

Posts Tagged ‘pugita’

Pugita

naisip ko ang isang pugita (octopus). sila ay pwedeng sumuot sa napakaliit na butas. to illustrate: 1. kumuka ka ng isang bond paper 2. butasin sa gitna ang bond paper na kasing laki ng piso 3. i try mo ipasok ang kamao mo sa butas ng hindi napipilas ang papel 4. marerealise mo na hindi ito posible dahil hindi ka naman pugita.

ang mga pugita ay may natural ability na tinatawag na flexibility. ibig sabihin, madali silang nakakamaneuver sa mga sasisikip na spaces na kinasasadlakan nila sa madilim at masalimuot na underwater world. napakahandy din ng abilidad na ito lalo na at nakaparaming predators lurking behind the shadows and dark alleys of the ocean.

kahit gaano na nakagipit ang sitwasyon, ang mga trusty pugita ay nakakahanap pa rin ng maliit na butas para makatakas sila. minsan kung wala talagang masisiksikan, dumidikit sila sa ibang bagay at nagbeblend in sa tulong na kanilang kulay at texture. isa na namang proof ng flexibility ng ng pugita, in a broader sense.

laging may paraan ang mga pugita. kadalasan, nasa background lang sila, immersed in their own pugita business. karaniwan makikita ang mga pugita na kumakain ng mga maliliit na isda at nagaadhere sa natural order of the food chain. pero when push comes to shove, ang mga pugita at nagpapakita din ng aggressiveness, gaya ng pakikipagwrestling at pagkain sa isang matipunong pating. syempre nanalo si pugita sa tulong ng kanyang malalakas na tentacles. iyak naman si pating. pinatutunayan nito ang dalawang bagay: first: pwede talunin ang mga hari and second: panapanahon lang yan.

kaya, just when you’re ready to give up, remember: hanapin mo ang inner pugita na nasa kaibuturan mo. isipin mo: WWPD (what would pugita do?). 😀

Advertisements
Categories: Uncategorized Tags: ,