Archive

Posts Tagged ‘walang point’

mag-isa na naman ako.

kausap ko ang bestfriend kong si aubrey online. out of the blue tinanong nya ako kung anong passion ko. ang sagot kong walang kagatul-gatol ay writing. pero the second na natype ko ang huling letra nung salita, napaisip ako: writing nga ba talaga?

ibig bang sabihin pag passionate ka sa isang bagay dapat magaling ka dito? kasi kung ganun, pakshet hindi writing ang passion ko. sex. nyehehe. jokes. pero dahil kung buburahin ko yung natype ko na (7 strokes ng backspace), mas madali kung pipndutin ko na alng ang enter. tamad e.

kaya ngayon, eto, napapaisip ako. badtrip na katamaran yan.

may mga taong na mapakadali para sa kanila na magsulat ng kung ano anong ramdom thoughts na sumasagi sa isip nila, tapos anf end result parang nonchalant na account ng isang mundane na bagay pero sa ganda nang pagkasulat parang pwedeng manalo ng award. ako hindi makapagsulat ng hindi iniisip na may magbabasa ng sinulat ko at kung anong iisipin nila pagkatapos. ito ang nagka-cramp ng aking style.

lagi kong sinasabi na simula pa lang noon, nung bata pa ako at nalaman ko na eventually kelangan ko magtrabaho kasi hindi ako pwede humingi sa mama ko ng baon for the rest of my life, alam ko na na pagsusulat ang ikabubuhay ko. na nagkatotoo naman. pero hindi pa rin ako magaling. i mean, oo marunong akong magconstruct ng sentences, pero yung ideas ko parang wala naman laman. or hindi original. or original pero wala paring laman. haay.

sumagi tuloy sa isip ko: baka naman nagkakamali ako. baka naman hindi writing ang passion ko. baka nga sex. tangina kung yun nga dapat magpapayat ako. pano ko magiging pornstar sa taba kong ito?

wala akong point. gusto ko lang mag rant, baket ba? blog ko naman to e. di wag mong basahin kung ayaw mo. gago!

may isa akong nakilala. artist daw sya. obvious, andungis ba naman. anyways, natutuwa ako sa kanya kasi artist na artist and dating nya, pero hindi sya emo. normal syang tao na hindi nagpapangggap na miserable para may masabing pinagkukunan ng inspirasyon. wala, nakakatuwa lang.

nabobore na ako sa office. meron akong dream job na related din sa pagsusulat. pero i dont know if im cut out for it. siguro hindi. siguro oo. ang alam ko gusto ko yun thats why im going for it. ang problema kung hindi nila marecognise ang aking ‘passion’. may rejoection issues pa naman ako. kasalanan to ng mga taxi drivers naayaw akong isakay e. ano bang mali sakin?? may barya naman ako sa umaga ah!

nakakaentertain din naman magsulat, lalo na kung hindi mo alam ang isusulat mo. parang syang magandang libro na hindi mo alam ang sunod na mangyayari. mas nakakaentertain kaya kesa magpaint. may napanood akong pelikula kagabi, yung painter parang depressed na depressed. parang wlang painter na masaya no? kung di nagpapakamatay, nababaliw or namamatay sa lamig. parang si nelo sa dog of flanders. buti na lang magsusulat lang ako.

nagtry din ako magdrawing. i-upload ko mga drawing ko sometime. wla lang kasi scanner na available e. wala talaga akong natural talent sa magguhit, pero meron akong talent sa pagiimagine. may sketch pad at hb 1 2 at 3 naman ako. pwede na yun.

sige, till next.

Advertisements
Categories: Uncategorized Tags: ,